bakit ba?
Ngayon ang kabuwanan ng aking pagkababae. Ang araw na maaari akong magsumpa ng tao na walang patawad. Maaari akong magwala at magsisisigaw kahit gaano ko gusto at kahit gaano ka lakas sapagkat walang makakapantay sa sakit na aking dinadanas. Ako'y isang babae. Ito ang aking karapatan. Bakit ba? Ang mag kontra naiingit lang. Doon kayo magreklamo sa gumawa sa inyo, huwag sa akin sapagkat wala akong pakialam.
Isa pa iyon sa natatanggi kong ugali na biniyaya sa akin ng mga nilalang ng sakit at pagdaramdam. Ang importante lamang ay ang aking na raramdaman at wala ng iba pa. Huwag mo kong gagalitin dahil sa situasyon kong ito, kaya kong sumuka ng apoy at isaksak ka sa ikabuturan ng daigdig ng mga maligno. Oo, maniwala ka, kaya ko.
Hindi ako nananakot. Nagpapaliwanag lamang. Kung ano man ang lumabas sa aking bibig, dala lamang ito ng tindi ng aking emosyon. Kung gusto mong sumali sa aking kabuwanan...magingat...mag dala ng armas at maraming softdrinks. Medyo matatagalan ito. Madugo masyado para sa mahina ang loob. Malamang, alam mo na yon.


0 Comments:
Post a Comment
<< Home