Saturday, May 22, 2004

Kumukutikutitap

Tila yatang ako'y mababaliw. Nawawala sa sarili. Mainitin lagi ang ulo. Nanunumbalik ang dating ugali. Masyado nang nagiging komplekado ang buhay. Hindi nga ako nagiisa subalit kung ang pasok mo ay alas tres ng umaga, sa tingin mo ba magiging matino pa ang iyong pagiisip?

Habang ako ay kasalukuyang nawawalan ng malay gusto ko lang ipahiwatig ang tindi ng emosyon dulot ng mga hindi masagot na tanong na patuloy bumabalot sa aking kaisipan. Bawat araw. Bawat kilos at galaw.
Hindi na makontento ang imahinasyon. Patuloy ito nananadya. Nagpupumilit na maghanap ng kasagutan subalit bigo ito.

Ito ay napakapait na karanasan sapagkat dumating siya sa maling panahon. Huwag sana kung kailang ako'y naguguluhan sa maraming bagay.

Nagbubulong ang nakaraan. Muling nagpupumilit na ito'y manatili sa aking pagkatao. Kahit anong gawin kong paglisan, hindi siya maiwanan.

Tunay nga na hindi ito matatakasan. Patuloy pa rin ang tao maglikha ng bagong uri ng karanasan. Wala siyang tigil at pag nabigo o naging pangit ang kanilang karanasan... isa nanaman itong bagay na kailangan nilang labanan habang buhay.

Madugo pala ang paglikha ng karanasan. Sana kayanin ko ito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home